Ang Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga ay mula sa direksyon ni Chito Roño noong 1999.
Ito ay tungkol sa isang live sex performer. Hindi talaga niya kagustuhan ang maging torera ngunit dito siya dinala ng ihip ng hangin at dahil na rin sa wala siyang pinag aralan. Isa pa sa mga dahilan ay kinalakhan niya na na ang pagiging torera ang pinakamabilis na paraan para kumita ng pera dahil pati mga kamag-anak niya ay pagtotorera rin ang hanap-buhay.
Ang ipinakitang pag-aacting ni Rosanna Roces bilang Curacha ay masasabi kong effortless. Bagay na bagay kasi sa kanya ang role niya. Wala siyang kalatoy-latoy bumitaw ng mga linya na bumagay naman talaga sa karakter niya sa pelikula bilang walang pinag-aralan.
Sa cinematography, sa tingin ko ay maayos naman. Wala ako masyadong masabi kasi malabo yung kopyang napanood ko. :) Ang napansin ko lang, magaganda ang mga anggulong kuha sa mga partikular na eksena. Hindi nababad ang isang anggulo sa isang eksena sa pelikula.
Hindi rin masyadong gumamit ng background music ang pelikula. Puros sound effects tulad ng ingay ng sasakyan, ng mga tao at ng radyo. Pero, mas malakas pa ang sound effects sa mga dialogue ng mga karakter (o dahil din ito sa panget na kopya na nahingi ko)
Lagi ding madilim ang mga kuha sa ilang eksena. Pero sa tingin ko, isa rin itong simbolo. Sinisimbolo nito ang madilim na pinagdaraanan ni Curacha sa kanyang buhay.
Sa pagpapatupad ng Martial Law, sumisimbolo ito sa lahat ng pasakit sa buhay na natikman ni Curacha. Sa eksenang patapos na ang pelikula, nagtapos rin ang Martial Law sa bansa at pagdedeklara ng demokrasya sa Pilipinas. Sumasalamin ito sa pagkakaroon ni Curacha na mabuhay pa.
Sa kabuuan, wala akong masyadong naramdamang suspense factor at intense feeling sa pelikula. Pero ayon nga, Tulad ng sinabi ko sa cinematography ay maayos naman. Check din sa music. At check din sa characters. :)








