Linggo, Setyembre 14, 2014

"Religion in a Time of Turmoil"


Pagbasa sa pelikulang "Sister Stella L." (1984)

Ang pelikula ay tungkol kay Sister Stella Legaspi (Vilma Santos) na sumali sa welga ng isang unyon matapos niyang malaman ang kalagayan ng mga residente sa Barrio Aguho na nagtatrabaho din sa isang pabrika. Mas lumala ang sitwasyon noong may nang traydor si Nes (Ping Medina) sa kanilang unyon at dinakip si Ka Dencio (Tony Santos) tsaka pinahirapan at pinatay. Sumunod ang pagmulat ni Sister Stella at ang kanyang pakikibaka laban sa hindi makatarungan na pamamahala at sa pang-aapi ng mga nakaka-angat sa lipunan.

Ang pelikula ay nailabas wala pang isang taon matapos ang assassination ni Benigno "Ninoy" Aquino. Maituturing na paglalarawan ang pelikula sa dinanas noon ng mga Pilipino sa rehimeng Marcos. Ayon sa sinasabi ng iba, ang pamamahala ni Marcos ay nakakasakal. Kung kaya't marami ang nahihirapan. Malinaw na naipakita ito sa pelikula: ang paghihirap na dinanas ng mga trabahador at mga kasapi sa unyon; Ang pagwawalang bahala ng management ng pabrika; at ang pagkamatay ng isang mahusay na lider.

Linear ang naratib ng pelikula, malaman ang pagkakagawa ng iskrip at ang dayalog ay functional. Mahusay at matalino ang ginawa ni Pete Lacaba sa iskrip at ang pagbuo ng direktor na si Mike de Leon sa mga karakter pati na ang kabuuan ng pelikula.

Sa palagay ko naman ay na-establish naman ni Vilma Santos ang kanyang karakter at pagganap kay Sister Stella L. Naipakita at nabitawan niya ng maayos ang kanyang iskrip at mga dayalog. Halos lahat ng karakter sa pelikula ay naging mahusay sa pagpapakita ng kani-kanilang pagganap.

Hindi ko lang gaanong nagustuhan ang cinematography ng pelikula. Ang pagko-close up ay masyadong marami. May mga eksena sa pelikula na hindi kailangan ng close up shot na ginawang close up. Pero maayos naman ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena sa pelikula.

Hindi ko rin masyadong napansin ang climax ng pelikula. Nakulangan ako sa emosyong ipinakita nito. Kulang sa intense feeling kumbaga. Yung tipong mapapailing ka o di kaya naman mapapaayos ka sa pagkakaupo mo. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anong excitement. 

Nabitin ako sa ending ng pelikula! Hindi man lang pinakita kung naging successful ba ang pag-wewelga nina Sister Stella L. sa huling pagkakataon at kung nagbunga ba ang paghihirap ni Ka Dencio.

Isa na lang, ganun ba talaga mag-welga noong unang panahon? I mean, kung ikukumpara sa mga rally at mga rallyista ngayon, mas agresibo at mas maingay ang mga welga or strike ngayon kaysa dati na disiplinado at marunong sumunod sa mga rules o batas.

Yun lang. Nagustuhan ko ang pelikula. Marami din naman akong napulot na aral. Thumbs up! :)

P.S: Wala talaga akong maisip na title ng blog na 'to. Kaya nilagay ko na lang yung title ng article na sinulat ni Nick sa may unang part ng pelikula. :P

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento