Linggo, Setyembre 21, 2014

Ginto, Pilak, Kamatayan

Ang Oro, Plata, Mata ay isa sa mga pelikulang nasa direksyon ni Peque Gallaga noong 1982.

Ang pelikula ay tungkol sa dalawang upper class na pamilya, ang mga Ojeda at Lorenzo. Ang Oro sa title ng pelikula ay sumisimbolo sa karangyaan na tinamasa ng dalawang pamilya sa panimula ng pelikula.

Sa panimula ng pelikula, mayroong isang pagtitipon sa bahay ng mga Ojeda. Ito'y dahil kaarawan ng isa sa mga apo ni Don Claudio, si Margarita.



Ang Plata naman ay sumisimbolo sa pagtuloy o pagbisita ng mga Ojeda sa hacienda ni Inday Lorenzo para makaiwas sa mga paparating na mga Hapones.



Dito makikita ang unti-unting pagtaas ng mga emosyon ng mga eksena papunta sa climax ng pelikula. Samantala, ang Mata naman ay sumisimbolo sa mahirap na pamumuhay ng mga Ojeda at Lorenzo sa kagubatan, digmaan at kamatayan.



Nagpakita ng iba't ibang pagbabago ang mga karakter sa pelikula. Si Miguel (Joel Torre) na dati'y Mama's boy at torpe ay nagkaroon ng lakas ng loob at naging matapang dahil sa fighting skills na natutunan niya kay Hermes (Ronnie Lazaro). Naipakita ang katapangan ni Miguel noong sumama siya kay Hermes para iligtas si Trining (Cherie Gil) sa mga guerilla sa pamumuno ni Melchor na dating trabahador ng mga Lorenzo.

Si Margarita (Sandy Andolong) naman ay binansagang "ahas" ng kanyang kapatid na si Trining. Ngunit hindi naman niya kasalanan na nahulog ang loob ni Miguel sa kanya dahil nakaramdam si Miguel ng respeto at tender affection mula kay Margarita na hindi niya naramdaman mula kay Trining.

Natutunan naman ni Trining na gamitin ang kanyang charms para makaligtas at mabuhay pa ng matagal. In short, ito ang kanyang defense mechanism.

Isa sa mga simbolismong nakita ko ay ang pagkuha ni Trining sa isang santol na dumami at natapon at nasayang lamang. Sumisimbolo ito sa pagiging makasarili ni Trining na iligtas ang kanyang sarili at mabuhay sa pamamagitan ng ibang tao.

Isa rin ang pagkamatay ni Yaya Tating (Mary Walter). Hindi man ito masyadong napansin ngunit isa ito sa mga mahahalagang eksena sa pelikula. Ang pagtahak ng matanda sa daan papuntang kanyang kamatayan ay lalong nagpabigat sa emosyon ng pelikula. Ito rin ang naging hudyat na papunta na sa climax ang pelikula.

 Ang kabuuan ng pelikula ay amazing. Kahit na mabagal ang takbo ng mga eksena sa panimula, bumawi naman ito sa pagitna hanggang sa katapusan ng pelikula. May suspense factor kumbaga. Check sa production design, check din sa cinematography, check din sa narrative, at check na check sa mga karakter ng pelikula. Clap clap kay Peque Gallaga. Dapat talaga siyang bansagang isa sa mga pinakamahuhusay na direktor sa history ng Philippine Cinema. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento